Friday, August 12, 2011

H6thM

In a very short time, we have so many stuff in life that we don’t really understand.. so many hesitations, questions and doubt not only for our relationship, but as well as within ourselves.. but no matter what it takes, for this short period of time, i learned to love u so deep, learned to accept what you’d done.. learned to dream about future life with you, to sleep with sadness in my heart and hope that tomorrow everything’s will be alright.. to hope that whatever argument were having, you’re still there, holding on.. but all of those, i never learned how to love you less in every wakin' day of my life.. thank you  for letting me feel those things.. HAPPY 6th MONTHSARY and wish us both a happy life and strong relationship together.. more months and years to come with fulfillment..  i love you so much SWEET and will love you more in everyday of my life.. and I'm so sorry for disappointments I’d done.. and thank you so much for everything.. I love you always!<3.                                 

Saturday, July 30, 2011

...busy working...

Lahat tayo may mga obligations at responsibilities to do.
Napaka busy natin sa mga careers natin.
Kailangan nating magtrabaho para mabuhay tayo
or makatulong sa mga pamilya natin.
Pero hwag nating pabayaan ang sarili natin
kung hindi na talaga natin kaya,
hindi naman masama ang magpahinga kahit isang araw lang diba.

Dahil kapag bumigay ang katawan natin baka hindi lang isang araw na pahinga ang kailangan natin.
ALWAYS take good care of yourself guys ok.

Besides hwag sana nating kalimutan ang mga pamilya natin sa bahay o kung nasaan pa man sila
Kahit gaano pa man tayo ka-busy sa work,
naandoon pa din sana yung Quality time or Bonding time with our family, relatives n friends.

Hindi tayo nagtatrabaho para maging mayaman or mabili natin lahat ng gusto natin sa buhay
Dont be selfish! Binibigyan tayo ni Lord ng blessings para makatulong sa kapwa natin.
Isipin nyo yan! Pasalamat tayo na maganda pa rin ang buhay natin kumpara sa ibang tao.

At hwag nyo sanang masabi na "mahirap ang buhay ngayon"
May mga bago tayong cellphones, bagong furnitures sa bahay, bagong damit, bago lahat.
Nasaan doon ang kahirapan ng buhay? 
Isipin sana natin yun mga pamilya natin na mas nanga2ilangan ng tulong
o kung sino pa man yan :) 

Share your blessings guys!!!! Don't be selfish!!!!

May God bless us ALL <3<3<3

Sunday, June 26, 2011

Happy 25th Birthday



First of all, I wanna thank God for giving me another life so that I can explore things more :)
Also big thanks to my biological parents especially to my Mom.
Without her I wont be here in this crazy world.
Thank you Mama sa lahat ng hirap na dinanas mo para makita ko lang kung gaano kaganda ang buhay.

Salamat din sa buo kong Pastores Family sa walang sawa na pagmamahal sa akin kahit pasaway ako minsan pero "people change" nga naman diba. Like I always say... mabait na ako ngayon hehe :)
swerte ang mga tao na ngayon ko lang makikilala... I'm the better Grace now! Naks!!!

Marami na din akong pinagdaanan at alam kong hindi dito magtatapos yun.
What I like about my life now is... handa na ako sa tunay na takbo ng buhay.
Life is really hard but aint giving up. I stay motivated and positive.
Handang-handa na akong lumaban sa ano pa mang pagsubok sa buhay.

I love my life the way it is right now. Satisfied!

Thank you din sa boyfriend kong tinanggap ako kung sino man ako.
Kaya mahal na mahal kita kasi wala kang kapalit na hinihingi sa lahat ng mga mabubuti mong ginagawa para sa akin o kaya naman sa lahat ng tao na nasa paligid mo lalo na pagdating sa pamilya mo. I really admire you so much sweet.
I'm so happy that we've met. At sharing our lives together :)
Thank you sayo sweet dahil ipinaghanda mo ako nung birthday ko.
Wala na akong hihilingin pang iba.
You always make me happy!!!!

Sa lahat ng bumati sa akin at nakasama ko nung kaarawan ko.
Maraming maraming Salamat sa inyo!!!!


God bless us all!!! Stay happy as we can LoL xD

Love love Love <3<3<3

Sunday, June 12, 2011

happy 4th monthsary

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik

[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
(Sa iyong ngiti)
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo...
(Para lang sa'yo ang awit ng aking puso)
Sana ay mapansin mo rin...
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti...
 
 
.....every time na maririnig ni mickee itong kanta, ako daw palagi yung naiisip nya....
ito kasi yung song na pinatugtog ko nung 2nd day na magkakilala kami hehe....
kinikilig si sweet hanggang ngayon kapag naririnig nya ito lol xD
sya na un in love haha :)) 
 
happy happy 4th monthsary sweet!!!!
 
more powers to come :P 
 
<3 I LOVE YOU <3
ps: happy independence day hahahahaha.....



Friday, May 27, 2011

...walang iwanan...

I really have the best boyfriend. He's so caring, loving and romantic. Saan pa ba ako diba? hehe :) The day before and after my operation... walang oras, minuto na umalis sya sa tabi ko. Over sa alaga si sweet sa akin. Nagtiis syang matulog sa upuan dahil ayaw nya akong iwan sa hospital. Uuwi lang sya sa umaga para ipagluto nya ako ng makakain ko. I must say he's also the best cook :) -minsan LoL xD Talagang tatawagin nya yung mga nurses kung may masakit sa akin or ubos na yung Infusion ko. Awwwww! Sya yung tipo ng tao na walang kapaguran, maibigay nya lang lahat sa taong mahal na mahal nya. Ang swerte ko talaga at nakilala ko si sweet. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na sagutin sya nung nangliligaw pa lang sya sa akin :)

Maraming maraming Salamat sweet sa pagbabantay mo sa akin nung nasa hospital ako at sa lahat lahat ng mga bagay na ginagawa mo para sa akin.

YOU ARE THE BEST!

I love you so much sweet <3


Thursday, May 12, 2011

Happy 3rd Monthsary

.....Para sayo ito sweet.....

hindi ko na maikakaila
mahal ko nga talaga ang lalake na'to
sa dahilang puso ko lang ang nakakaalam
wala na akong pakialam kung ano ang nakaraan
kung sino pa man sya
ang mahalaga mahal ko sya ngayon
at mamahalin ko sya bukas
at magpakailanman

Happy 3rd Monthsary

<3 I love you sweet mickee ko <3





Hindi dito nagtatapos ang monthsary namin. LoL. At dahil pareho kaming may pasok sa exact monthsary namin ni sweet. Nagdesisyon kaming i-celebrate na lang sa weekend. Palagi naman kaming magkasama every weekend eh :) adik lang kasi si sweet sa akin. Haha :) :) :)
Grabe kumain kami sa isang THAI Restaurant. Over sa sarap ang pagkain nila doon. Tingnan nyo...


Ang sarap sarap na yan. Hehe :) recommended ko talaga sa inyo... Punta na ng BONN!!! haha.

Anyways... Maraming Salamat ulit sa iyo Sweet dahil hindi mo ako pinapapabayaan.
Palagi mo akong pinapasaya. Salamat ng maraming marami.

God bless our relationship!!!! I LOVE YOU SWEET <3 <3 <3

Sunday, May 1, 2011

nature lover

Wow... it's May already. Time is really gold. That's why make the best out of it... spread love every day :) AND 'cause am such a nature lover. Mickee is always in Bonn. We always have nice weather in Germany. I decided to take Mickee to one of my favorite places here in Bonn. We went to Rheinaue Park. I love the nature so much as I love to take a walk. Hehe.

There we had our QUALITY TIME :) Such a pity coz we didn't have enough time. It didn't matter.
We made the BEST out of it eventhough we just stayed there for less than an hour. Main thing was, we were very happy on that day. ICH LIEBE DICH SCHATZ!

Be happy always guys. Be contented of what you have right now. Satisfaction!!!



Friday, April 22, 2011

wonderful vacation

April 22-25, 2011





ang saya saya ng apat na araw na kapiling ko si sweet.
swerte namin kasi wala akong pasok dahil holidays sa germany.
sakto naman 4 day weekend nina sweet. :))
kaya ayun naisipan kong magbakasyon sa wiesbaden.
friday night pa lang, sulit na sulit na. lol.
inuman na kaagad haha :) pero bago yun... naglaro muna kami ng basketball
nung sabado naman... nag swimming kami... kahit medyo malamig pa...
okay lang ang lahat basta makapag-langoy lang lol
ang ganda sa swimming pool kasi wala masyadong tao nung dumating kami doon
private pool for us! haha.
inuman ulit lol.
sunday naman... nagsimba kami ni sweet kasi Easter Sunday yun.
mga hapon... naglaro kami ng bowling kasama ang mga ibang kaibigan.
tapos nung gabi na... pumunta kami sa frankfurt kasi may asia party doon.
club club club....
sayawan... inuman.... sayawan... inuman...
hanggang sa inantok na kaming dalawa hahahahhaha...
umuwi ng maaga para makapag pahinga na.
hmm...monday... kailangan ko ng bumalik sa bonn kasi may pasok na ako ulit
ang hirap umalis kasi ang tagal mo syang nakasama tapos iiwanan mo na sya ulit
kailangan magtrabaho... mag-aral para sa mas magandang future naming dalawa.

maraming maraming salamat sa oras, pagmamahal at kasiyahan sweet.

mamimiss ko yun tawanan, kulitan, kalokohan natin hehe....
pero kahit naman sa phone, ganun pa rin tayo haha
mga baliw lang talaga....

let's stay happy always sweet ok.

<3 I LOVE YOU SO MUCH <3




Tuesday, April 19, 2011

bonding time with BOnners

Mickee visited me in Bonn. My two girlfriends and I picked him up. Then we went to Bowling Center. There, Mickee got to know my barkadas. It's so nice seeing my friends and Mickee laughing together... they really get along. Welcome to my world Sweet :) Am glad kasi marami ng nakikilala si sweet dito sa Germany. Lalo na un mga long term friends ko. Hindi mo pa nakikita ang buong barkada hehe :) wala pa sa kalahati yung nakita mo sweet. LoL. Sayang nga lang hindi tayo nakapag picture sa kanilang lahat. Next time na lang.

Thank you guys for accepting my boyfriend and treating him as your friend, too.

Can't wait sa next bonding time nating lahat.



                                     Welcome to Bonn sweet. I love you. My friends like you.

Wednesday, April 13, 2011

best tweet ever

"Sweet you're the most amazing woman in the world..I still can't believe I found u..You make me happier than I ever been in my life..
I'm thankful everyday to have such a great girlfriend!
I LOVE YOU ALWAYS and FOREVER.."

----> THANK YOU so much sweet. I love you now and forever!

Tuesday, April 12, 2011

Happy 2nd Monthsary

Happy 2nd Monthsary
Grabe... 2 months pa lang pala kami. Pero ibang- iba ang pakiramdan namin sa isat isa. Parang ang tagal tagal na naming magkakilala pero ngayon lang nagkita at nagkasama. Ganun pa man... ang mahalaga ay napakasaya namin ngayon. We love each other more every day. TRUE! Mas lalong tumitindi yung pagsasamahan namin. Kinakaya ang lahat lahat basta magkasama namin inaayos at pinagtutulungan kung ano pa man ang dumating na problema o pagsubok sa amin. Madami pa yan. Nagsisimula pa lang. Pero nangako kami sa isa't isa na kahit ano pa man ang mangyari... walang iwanan!!!!

More power to us sweet. I love you so much.

Parang kailan lang nung pumunta ka sa training pero ngayon makakasama na naman kita. Ilang days na lang sweet. You can hug me again hahaha :)) Ingat ka palagi ok.

GOd bless our relationship!!!! AMEN!

I LOVE YOU SO MUCH

Monday, March 28, 2011

Kalokohan namin ni sweet

http://www.facebook.com/profile.php?id=1424344831#!/photo.php?fbid=160243347327609&set=a.160237933994817.35646.100000258333096&theater


hay naku kung maririnig nyo lang kaming mag-usap ni sweet. Masasabi nyo ang dalawang baliw nagsama. Haha. Puro kalokohan lang ang mga napapag-usapan. Hiritan. Asaran. LoL. And that makes us very happy. A wonderful relationship. Naks. I miss our conversations sweet. I love you <3

Sunday, March 27, 2011

Ich vermisse dich so sehr




 
I always have a perfect day every time we're together. I miss you so much sweet. Nakikita mo itong mga pictures natin? Thank you for spending your time with me. Kainis lang kasi nagtatrabaho ako nung naandito ka sa amin pero hindi ka naman pinabayaan ng pamilya ko dito eh. Nasabi ko na ba na miss na miss na kita. Hindi kita makikita for almost a month. Hayz adik lang talaga. Pero mabilis lang naman ang panahon ngayon eh. Ilang weeks na lang at magkikita na naman tayo. Mag-ingat ka dyan palagi sa training nyo ok.  <3 I LOVE YOU SO MUCH SWEET<3

Saturday, March 12, 2011

Happy 1st Monthsary Sweet

Thank you for coming into my life sweet. Let's enjoy every moment. We've just started. Marami pang darating na pagsubok sa atin but I know na malalampasan nating dalawa yun. We're partners in crime diba. hehe. All I wish is... maging masaya tayo palagi. God is always with us. Kayang kaya natin toh. Maraming maraming Salamat sa pagmamahal na binibigay mo sa akin. Sana alam mo din kung gaano din kita kamahal. Manhid ka kapag hindi mo nararamdaman yun. lol. Pero sa tingin ko nalulunod na tayong dalawa. Sobra kasi tayong masaya at contented for what we have right now. So be it. I love it.
Happy Monthsary sweet. More to come. God bless our relationship. AMEN <3

Friday, March 11, 2011

Happy Happy Birthday Sweet

                                    


It's March 3, 2011. Tumatanda ka na sweet. Hehe. Kahit hindi kami nagkita sa saktong birthday ni Sweet, okay lang din kasi nakapag-usap naman kami sa phone at nabati ko sya. Pero bumawi naman ako. Pumunta ako sa Wiesbaden para i-celebrate yung bday nya after a week. Tinawagan ko yung mga ka-close na ni Sweet sa Wiesbaden at I invited them to come over and have dinner at Kuya Leo's place. Ayun nagluto ako ng pansit at grilled pork. May peach cake pa sya ha. Sayang nga lang hindi ko napicturan. But it doesn't matter, ang mahalaga napasaya ko ang Sweet ko.
Happy happy Birthday Sweet. I love you very much. 

Monday, February 14, 2011

our first official date

<3 Happy Valentine's Day <3

I received three red roses again. Kahit pagod na pagod na si Mickee ko sa trabaho, lumabas pa din kami kasi gustong gusto nya akong i-date. Kaya ayun kumain kami sa isang bonggang restaurant. Hehe. Hindi talaga bagay yun outfits namin pero who cares pumasok pa din kami. Hehe. It was a very romantic date. Candles everywhere. Live music. Delicious food. Perfect place for two lovebirds. It was the best Valentines I ever had. Thank you for everything Mickee ko. I love you so much. LOve love LoVe.....

Sunday, February 13, 2011

welcome to my life

First day having a boyfriend again. We went to Church with my Mom. Everybody was shocked 'cause I'm in a relationship again. Ang bilis ng balita... galing talaga ng Facebook haha. More shocking 'cause everybody was smiling at me/ us... dahil nagagalak silang makita akong masaya ulit. I'm really touched. After the mass, my Mom toured Mickee in Bonn. He saw my working area at the residential home for the elderly. We went to different places. It was a family day. Welcome na welcome si Mickee sa parents ko. Thank you Mom & Papa.

Saturday, February 12, 2011

changed status

The day has come na sinagot ko na si Mickee. Kainis hindi ko man lang sya pinahirapan. LoL.
Hindi ko na pinatagal pa kasi ako na yung nahihirapan. Nasagot lahat ng tanong ko sa sarili nung pumunta nga talaga si Mickee sa bahay namin. Haayyzz... nasabi ko din na "I love you Mickee ko, too."
Gusto daw tumalon ni Mickee na yun sa sobrang saya pero hindi nya ginawa kasi nahiya sya kina Mama. HahaHa. Ayun... in a relationship ulit ako. Si Mickee lang pala ang makakapag-bukas ng puso ko ulit. Im happy sa naging desisyon ko. Minsan hindi importante kung gaano kayo katagal na magkakilala. Mas importante ay masaya at nagkakaintindihan kayo. Love is in the air.....

Friday, February 11, 2011

second meet

Sa every day na ginawa ni Lord... hindi lumampas ang isang araw na hindi kami mag-uusap ni Mickee sa phone. He always calls me... before he goes to work, during his break time and bago matulog. O kaya naman nagchaChat kami. ADIK LANG. Hehe. Hanggang sa dumating ang oras na nagkita kami ulit.
After a month, I picked him up in Cologne. When I saw him again, I hugged him tight. I couldn't believe that he really came to visit me in Bonn. While we're going to the train station (goin back to Bonn), he held my hands. CHOKS. We waited for the train. I sat down and when I looked in front of me... Mickee held my head and kissed me on my forehead. -kinikilig ako while am writing this- lmao.
Haayyzzz... mas lalo akong nain-love sa kanya but Mickee didn't know it.

Monday, January 17, 2011

first phone call 'n' chat

It was Monday morning when Mickee left Kuya Leo's place. When he left, he told me "see you later"
That's why I was kinda expecting that he'd come back at ihahatid ako sa train station. Anyways, we chatted for almost 7 hours in Facebook since he left the apartment. Hindi pa yun ha, Mickee even called me for 2 hours. Haha. Actually I was still hoping that he will really come back but he didn't. Too much expectations lead to disappointments. TRUE! Hayzzz... I didn't want to go back to Bonn that day but I had to. I've responsibilities to do. Funny is... since I gave my number to Mickee. He never missed to call me every single day. Leveling up....

Sunday, January 16, 2011

last day in Wiesbaden



Niyaya kong lumabas silang lahat ng natulog kina Kuya Leo kasi last night ko na sa Wiesbaden. I needed to work the next day. Before we went to play Bowling, we all passed by sa CHURCH. Nagsindi ako ng candle, si Mickee nagdasal sa harapan and yung mga iba nag-pray din yata. All at once the mass has started. We didn't know it. But then I decided to stay and attend the mass. I searched for Mickee and stood next to him. I asked him if he wanted to stay or sumama na sa iba kasi pupunta na sila sa Bowlingan.
He chose to stay with me and attended the mass. Kilig to the max. Hehe. Iniwan na kami ng iba. Kaming dalawa na lang yung natira. After the mass... Mickee asked for my number. Syempre friendly ako kaya binigay ko na din. LOL. My last day was fun.

Saturday, January 15, 2011

past 'n' future


This day was more interesting. My Mom and Mickee got to know each other in Wiesbaden.
That's not all, we went to visit my second family (my ex's family).
It was really an unexpected reunion. 
My mom went back to Bonn. I stayed. Mickee and I ate dinner at my second family. There Mickee met my ex-boyfriend. Of course I introduced him to my ex. I didn't know that Mickee was already jealous that time. How sweet talaga. One important thing I realized that evening... who belongs to my past and my future. Believe me guys.. it was a weird feeling but I was very happy. 
After that, we went back to Kuya Leo's place. Mickee met our other friends there. Drinkin session. Hehe.
Everybody was asking me if Mickee was my new boyfriend. A friend answered: " I guess they're getting to know each other." TAAAMMAAAA.....

Friday, January 14, 2011

first meet

Hi this is Grace. Let me share to y'all how our love story started.

January 14, 2011 when we first met in Wiesbaden at Kuya Leo's flat. I came in and Mickee was cooking Nilagang Baka :) -ang tagal kaming naghintay bago maluto yung baka LMAO-
Some friends had dinner with us. After we ate dinner, we all went clubbing at Euro Palace.
Gosh...Mickee never left Gara. Haha. We started talking about his life. He continued giving me beers. I guess he wanted to get me drunk. lol. failed. joke. Then we danced together, drank alcohol...having fun with friends. Suddenly I got tired, that's why we sat down. Mickee left me and Kuya Leo 'cause he wanted to buy more beers kahit medyo lasing na sya. OMG when he came back, he gave me three red roses. Kinilig syempre si Gara :) we don't know why but that night we were so inseparable. Anyways I was really sleepy already. Mickee offered his shoulder so that I could at least take a rest. Of course I put my head on his shoulder and tried to fall asleep. Guess what Mickee did. Hehe. He hugged me so tight. Naks hindi napigilan ang sarili lol. Doon ko naman naramdaman na may isa pa palang lalake ang puedeng magmahal sa akin. Oh diba romantic hehe :) first meet pa lang yan....